Isa na namang masayang pagtitipon ng kapatiran ang naganap nitong Sabado. Nagsimula ito tanghali pa lamang. May pagkain, softdrinks at maraming kuwento. Huli akong dumating kaya maraming kwento akong 'di narinig. Pero salamat sa mga kapatid, tinirhan ako ng lechon kawali yata 'yon at inihaw na tilapia. Pinilit pa ako ni pareng Paul na magkanin.
Pulong iyon ng BOT sa pangunguna ni pangulong Augie. Napag-usapan ang mga pinaplanong mga proyekto, mga negosyo at siyempre pa mga pangarap at mungkahi papaano makakatulong ang kapatiran sa lahat na mga miyembro. Para sa kung ano ang pinag-usapan, tingnan nyo na lang sa minutes na sigurado namang ipapadala ni William "my best friend" Baclao.
Hindi nagtapos sa Martino building sa Mandaluyong ang huntahan at kantiyawan. Siyempre pa, tumuloy kami sa Newsdesk sa Timog, Quezon City, at doon nagkilitian, nagkainan, este kumain pala, ng sisig, isaw ng baboy na lumalangoy sa mantika, grilled tuna belly na para lang sana kay Augie pero tinira ni Kit at Charlie, mani na gustong-gusto ni Alvin at Alfie, at naglasing sa iced-tea si Augie at Will na hindi natuloy sa Pasay kung saan mag-fraternal correction yata sana sila, bwahahahaha.
Sa pagitan ng paglagok ng beer at "film showing" ng mga scandals ni Alvin, nagkakwentuhan tungkol sa buhay, nagkapalitan ng mga kuro-kuro mula human rights situation hanggang sex education, nagkakantiyawan, nagkaladlaran at nagkalaglagan, joke lang.
At habang lumalalim ang gabi, dumating pa si Tata Rodriguez na galing pa daw sa Batangas kaya di nakarating sa meeting pero mabilis pa sa ala-singko nang sabihing nasa Newsdesk na kami. Habang gumagabi, nagsawa din kami sa mga video ni Alvin at sa pagiging serious ni Kit at Steve, kaya si William na lang ang aming ipinulutan. Kwento dito, kwento doon, tungga dito, tungga doon, hanggang sumasara na ang talukap ni Alfie at nag-init na si Alvin. Si William naman ay nag-bloom habang dumidilim sa tabi ni Kit. Hindi na rin pinanindigan ni Chay ang pananahimik at dumaldal na rin tungkol sa pulitika. Habang cool lang talaga si Mr. President Cadua kahit na nagkulitan na si Alvin at Tata.
Sino pa ba ang di ko nai-tsismis? Sinong di ko nabanggit?
Alas-dose na at mahigit dalawang libo na ang bill nang magpasya kaming maghiwa-hiwalay. Maaga pa kaming magkikita kinabukasan, araw ng linggo, para mamasyal sa tiangge sa Lung Center.
Kaya, susmarya, alas-otso pa lang yata nang magtxt ang pangulong Augie at sabihing ninong, yes, NINONG siya sa binyag at alas onse ang binyagan nila. Kaya di siya nag-appear sa aming date.
Present sa Lung Center nang dumating ako si Charlie at Alfie na hindi man lang yata naligo dahil parehong damit pa rin ang suot. Nag-buko kami, tapos kumain ng alamang na may kamias at ampalaya, sinampalokang manok, sinigang na bangus at tahong na di ko alam kung bakit pati ang shell ay pinrito. Umikot kami nang umikot hanggang halos mahilo na kami. Nakabili naman ako ng hasa-hasa, hipon, tinapay at kung anupang maisipan naming pagwaldasan. Natutunan ko ring ang tawag ni Alfie sa arroz valenciana ay berengge (tama ba Alfie?).
At nang mananghali na, dumating si Willie na may dalang ngiti sa mukha. Smiling talaga lagi si William. Dumating din si Leo (nalimutan ko ang apelyedo) at nakakatuwa naman dahil first time ko siya nakilala at patunay lang ito na napakalaki talaga ng ating kapatiran.
Parang walang gustong umuwi kahit na pawis na pawis na kami sa init ng araw. Parang gustong ipagpatuloy ang pagsasama. Mag-aala-una na nang kami ay mahiwa-hiwalay sa gitna ng pagpapalitan ng "ingat ka lagi". Nakakataba ng puso, nakakabusog sa damdamin, nakakabutas ng bulsa pero walang kapalit ang tunay na pagsasama ng mga kapatid.
O siya, kayo naman ang magsulat. Ilabas nyo na ang pagiging makata, manunulat at maniniyot at ilathala na natin dito. Mwah!
Sunday, September 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
bilis naman! news na kaagad! tsismis ang style, mala-Chika Minute ni Crispy-pata Fermin! hehe.
kakataba nga ng puso ang mga "ingat ka" at "pangangalabit" ng writer ng tsismis na nabanggit...hehe, pero kwidaw, baka may ibang ___ na makakita at magselos sayo, Joe! hehe
o. siya, tapusin ko na muna, kasi punta pa ko sa gateway despidida raw kasi nina auggie at mike ramin kay edwin who's boardin the ship na, US-bound! ung gustong sumama...well, huli na kayo! by the time na binabasa nyo to, eh, fly fly na kami! hehe. keep in touch. bros.
ang lupet mo Joe! kakamiss yung nangyari nung sabado...sabi ko nga kay Tata, isa pa!!!!! wahehehehe!!!
Post a Comment